Gun smuggler kinasuhan ng BoC sa DOJ

KINASUHAN ng technical smuggling ng Bureau of Customs (BoC) sa Department of Justice (DoJ) ang isang gun smuggler na responsible sa pagpupuslit ng mga baril mula sa ibayong dagat, patungo dito sa Pilipinas gamit ang Balikbayan boxes.

Kinilala ng BoC ang kinasuhan na si Mark Louie Mendoza, isa umanong negosyante at may-ari ng Last Resort Armaments na nagbebenta ng mga baril.

Nabatid na si Mendoza ang consignee sa 15 Balikbayan boxes na nanggaling sa Estados Unidos.

Ayon kay Customs Commissioner Angelito Alvarez, pito sa 15 kahon ay dumating sa bansa noong Hulyo 16, habang ang ikalawang set ay noong Hulyo 25 lamang.

Sa kabuuan, umaabot ng P7.5 milyon ang halaga ng nasabing mga kontrabando.

Nagpapasalamat ang BoC sa tulong na ibinigay ng US Homeland Security upang mapadali ang pagharang sa smuggled boxes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply