Guro nanglatigo ng 40 estudyante

NAHAHARAP sa kasong multiple child abuse ang 60-anyos na guro sa Pangasinan makaraang latiguhin ang 40 estudyante.

Kinilala ang suspek na Gloria Juanitez Callejo, isang Grade 6 science teacher sa Agno Elementary School sa nabanggit na lalawigan.

Lumabas sa imbestigasyon ng mga pulis na nairita ang guro nang bumagsak sa quiz ang kanyang mga estudyante kaya’t nilatigo niya ang mga ito sa hita noong nakaraang Biyernes.

Dahil sa tinamong mga sugat ay dinala sa Eastern Pangasinan District Hospital ang ilan sa mga mag-aaral na naparusahan.

Nagsampa ng kasong administratibo ang mga magulang at estudyante laban kay Calleja sa office of the principal ng paaralan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply