Gusali na inuupahan ng DILG natangayan ng P2M, at alahas

NAGHARAP ng reklamong pagnanakaw sa pulisya ang isang lady judge laban sa sinasabing empleyado ng National Police Commission (Napolcom)  matapos pagnakawan ng P2 milyon cash at mga alahas ang mansion ng kanyang yumaong ina sa Quezon City iniulat ng pulisya.

Dumulog kagabi ng 7:00 sa Quezon City Police District Police Station 12 Libis, Brgy. Libis si Judge Josephine Sarate Fernandez, 55, ng RTC judge ng San Mateo, Rizal at ipinagharap ng reklamo ang suspek na si Gilbert San Diego, 36.

Nabatid sa ulat na ang ina ng lady judge ay ang yumaong retiradong Atty. Adalla Blas Francisco, may–ari ng Gold Francisco Bdg., kasalukuyang main office ng DILG sa Edsa Kamuning.

Lumilitaw sa imbestigasyon na si Gilbert San Diego ay live–in partner umano ni Atty. Francisco, bago yumao at sa kasalukuyan ang una ay nakatira sa mansion nila sa  No. 83 Katipunan, Brgy. White Plains.

Ipinaaresto rin ni Judge Fernandez ang mga helper ni San Diego na sina Edres Corobon, Larry Dulfo, Oscar Ariola at Florencio Cabias subalit pinalaya rin makaraang mahingan ng paliwanag at maimbestigahan sa ng QCPD – PS 12.

Sa pahayag sa pulisya ni Judge Fernandez, nang yumao umano ang kanyang ina, ang tumira na sa mansion ng kanyang ina ay ang kinasamang si San Diego at nang puntahan niya ang bahay ay nadiskubreng nawala sa nakasaradong kuwarto ang salapi at ari–arian ng yumaong ina dahilan para magharap siya ng reklamo sa pulisya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply