Hari ng Yambo, Magna Carta makikipag-agawan sa Triple crown series

MASASAGOT bukas ng hapon ang matagal ng katanungan ng mga karerista kung sino ang tatanghaling kampeon sa 2011 PHILRACOM 3rd Leg Triple Crown Stakes Race na gaganapin sa Sta. Ana Park sa Naic, Cavite.

Nakopo ni Hari ng Yambo ang unang leg nang bumanderang tapos at sa pangalawang leg ay si Magna Carta naman ang nagwagi.

Muling maghaharap ang dalawa kung saan ay makakalaban ang mga tulad nilang matitikas din na kabayo upang mag-unahan sa premyong P1.8-million top purse.

“Magandang panoorin itong event kasi bukod sa malaki ang premyo ay matagal na nag-eensayo ang mga kasali dito kaya sigurado pahirapan ang pagpili kung sino ang mananalo.” wika ng horse trainer na si Nick Atienza.

Iba-iba ang pang-primerang kabayo ng mga tipsters sa programa ng karera kaya naman ayon sa mga karerista ngayong Sabado pa nag-aaral dahil napakahirap mamili sapagkat lahat ay de-kalidad ang kalahok.

Gagabayan ni two time reigning Philippine Sportswriters Association, (PSA) jockey-of-the-year awardee Jessie B. Guce si Magna Carta habang si class B rider Rodeo G. Fernandez ang sasakay kay Hari ng Yambo.

Ang ibang kasali sa event na inisponsoran ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM ay sina The Rock, Smart Guru, Arvin Dugo, Just For Keeps, Tensile Strenght, Cheese Mosa, Barkley, Lord Of War, Finest Material, High Voltage at Constatic.

May nakalaan ding P675,000 sa second placer at sa thrid at fourth placer ay makatatanggap ng P375,000 at P150,000 ayon sa pagkakasunod.

Tatanggap din ng P100,000 ang breeder ng winning horse na tatakbo sa distansyang 2,000 meter race.

Samantala, nakatakda ring ilarga bukas ang PSA Cup kung saan ay 10 kabayo ang maglalaban-laban para sa P180,000 na premyo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply