HDO vs GMA ipinalalabas ni Ejercito

IPINANAWAGAN ni San Juan Rep. JV Ejercito na magpalabas ang gobyerno ng ‘hold depature’ laban kay Pampanga Rep. Gloria Arroyo.

Paliwanag ni Ejercito, sa dami ng kasong kinakaharap ni GMA ay kailangang makapanatili ito sa bansa upang siguradong mahaharap niya ang  mga kasong inihain laban sa kanya.

Tatlong plunder case ang naisampa na laban sa dating pangulo habang iniuugnay ang pangalan nito sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) scandal, at electoral fraud na isiniwalat nina suspended ARMM governor Zaldy Ampatuan at dating Maguindanao election supervisor Lintang Bedol.

Pangamba ni Ejercito, hindi malayong tumakas si Ginang Arroyo at umalis ng bansa para makalusot sa mga asunto at alegasyong ipinupukol sa kanya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply