Hello, Garci! Si Bedol kinulong na, may graft pa

PANAY ang panawagan nina PNoy kay ex-Comelec Commissioner Virgilio Garcillano na lumantad na para makatulong sa paglilinaw sa dayaan noong halalang 2004 na nag-bunga ng Hello, Garci scandal.

Sa palagay ba ninyo, eh, lalantad si Garci? Nang lumantad si Lintang Bedol, hayun at nakulong na sa contempt, kakasuhan pa ng graft.

Hindi ba kalokohan ang pagpapalantad sa kanya?

Parang pinaaamo ang isang aso sa pamamagitan ng buto pero ipapalo lang pala sa kanya ang buto.

oOo

Bigyan naman natin ng espasyo ang ating mga mambabasa na maipahayag ang kanilang mga paniniwala, damdamin o paninindigan sa mga nagaganap sa bansa.

WALANG BINATBAT AT PALAASA

Wala naman talagang binatbat ang Pilipinas, puro lang yabang at satsat ang gobyerno. Umaasa lang sa tulong ng Amerikano. Sa tatlong nuclear missiles lang,  burado na ang Pilipinas sa mapa. 907190

MAY CALAMITY WALANG LOAD

Gud am po. Gusto ko lang pong itanong sa inyo at alam kong matutulungan niyo po ako sa pamamagitan ng inyong column. Noong nasalanta ng bagyong Egay at Falcon ang Pampanga area ay na-ideclare po sa ilalim ng state of calamity ang nasabing rehiyon.
Nang mag-file kami ng calamity loan sa PAGIBIG at SSS sa San Fernando, Pampanga, sinabi ng mga taga-PAGIBIG at SSS ay hindi raw kami puwedeng mag-file ng loan sa calamity.  Tama po ba ang sinabi nila? Totoo ba na hindi kami pupuwedeng mag-loan sa calamity?  Maraming salamat po.  Umaasa ng inyong kasagutan. And more power to you.  Mga residente ng Pampanga area.  09276175785

GRAVE THREATS

Tanong ko lang po. Anong kaso ang pupuwedeng isampa sa isang taong nagbabantang papatayin ako? Saan ako pupuwedeng lumapit tungkol sa bagay na ito. Ano po ang nararapat kong hakbang? 932702

KOTONG COPS SA MAYNILA

Ang SFX 113, mobile patrol ng Manila ay panay orbit sa Sta. Cruz araw-araw. Kumukuha ng lagay sa mga vendor.

Mayor Lim, binubukulan ka ng alipores niyo na si Mar Reyes. Kulang ba kayo sa hataw sa ulo? Para magising kayo sa pagkunsinti niyo sa mga alaga niyo. Nakahihiya kayo. 932702

Anomang reklamo ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o ita-wag sa 09214303333.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply