Higanteng bulok na itlog ipaparada sa SONA

IPAPARADA ng artists militant groups ang isang mala-higanteng bulok na itlog sa Commonwealth Avenue, sa Quezon City sa mismong araw ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino.

Ang effigy ay babansagang “Penoy.”

Sinabi ni UGAT Lahi Artist Collective chairman Crisanto de Leon sa isang press statement na ang effigy ang nagsasalamin sa performance ni Aquino sa kanyang unang taon.

Tinapos na Linggo ng hapon ng mga artists mula sa UGAT Lahi, Bagong Alyansang Makabayan at UP ang higanteng bulok na itlog.

Ang may 14-foot tall effigy ay binubuo ng itlog na kasama ang larawan mismo ni Aquino na katumbas rin ng kanilang grado kay PNoy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply