Higanteng piktyur

KAHAPON binaklas na ang billboard ni Angel Locsin at ni Phil Younghusband na nag-iendorso ng isang canned tuna brand.

Sexy ang larawan ng dalawa sa billboard at yun ang dahilan kung bakit ipinatanggal ito.

Nagsimula ang tanggalan ng billboards sa Edsa noong maka-tawag ng pansin ang dambuhalang larawan ng mga miyembro ng Philippine Rugby team – ang Philippine Volcanoes – na nag-iendorso ng isang brand ng underwear, natural naka-brief lang ang

nasabing mga modelo.

Ang isyu, malaswa at imoral daw ang billboard ng Volcanoes at hindi maganda ang mensahe sa mga bata.

Hati ang opinyon ng mga tao, may nagsasabi na dapat daw hindi pinapayagan ang “malalaswang” billboard sa EDSA, sabi naman ng kabilang panig. Ano raw ba kasi ang

depinisyon nila sa salitang “malaswa?”

Sa totoo lang, ang nasasaktan sa isyung ito ay ang advertisers at manufacturers ng produktong ini-endorso ng mga dambuhalang billboards sa EDSA. Namuhunan ang negosyante, gumasta ng malaki bilang bahagi ng prinsipyo ng marketing at advertising at nasayang lahat dahil may hindi nagkagusto, o nalaswaan, sa mga billboard.

Para sa akin, minsan ay sumosobra na ang pagka-commercialized ng mga bagay sa ating kapaligiran.

Lahat ng okasyon, ginagawan ng marketing strategy, magmula sa pagdiriwang ng pasko hanggang sa paggunita sa araw ng patay.

Minsan nawawala na ang saysay ng isang event at isang pagdiriwang dahil nalulunod na ng advertising.

Minsan ang mga advertiser ay parang lumalampas na sa panuntunan ng respeto at dignidad, dapat na rin talagang rendahan.

Dapat ang mga advertiser ay magkaroon muli ng pagninilay sa kanilang mga sarili.

Hindi tayo tutol na umunlad ang negosyo dahil ito ay tulong sa pangkalahatang ekonomiya ng bansa pero hinihiling ng sambayanan na sana ay panatilihin ang respeto sa tunay na kultura ng Pilipino.

Muli ay tingnan natin ang mga billboard sa EDSA, alin dito ang hindi mo gusto at sa palagay mo ay pam-babastos?

May isang nagsabi sa akin, mas nakababastos pa raw ang mga nakawan sa gobyerno at wala raw siyang nakikitang negatibo sa mga higanteng piktyur sa EDSA. Ikaw ano ang opinyon mo sa usaping ito?

Mag-text po kayo sa akin sa 09209280847 o mag-email sa: ariel.inton@gmail.com.

Mahalaga sa akin na malaman ang inyong saloobin at opinyon sa isyung ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply