High school teacher inireklamo ng pananakit

INIREKLAMO ng mga magulang ng 2nd year high school na estudyante ang isa sa mga guro ng Pasay City West High School bunga ng pagmamalupit sa kanya matapos pagbintangan na nangungulit ng ka-klase noong nakaraang linggo.

Kutos at sampal ang umano’y ipinalasap ng guro sa subject na social studies na si Crisencia Ventura, nasa hustong gulang, nang hindi kaagad dumating ang mga magulang ng 17-anyos na binatilyo, itinago sa pangalang Bonilla, nang pumasok sa paaralan noong Biyernes.

Batay sa imbestigasyon ng mga tauhan ng Women and Children’s Protection Center (WCPC) ng Pasay police, nagkaroon ng pakikipagtalo ang binatilyong estudyante sa kanyang babaing ka-klase noong Huwebes ng umaga, nang hindi sinasadyang masagi ng lalaki ang upuan ng ka-klase.

Inakala umano ng gurong si Ventura na kinukulit ng binatilyo ang kaklaseng babae kaya’t inatasan ang estudyante na isama ang mga magulang pagpasok kinabukasan.

Nang hindi naisama ng binatilyo ang mga magulang ay kinutusan umano ni Gng. Ventura ang bata.

Hindi pa nasiyahan ay sinampal pa ng dalawang ulit ng guro ang binatilyo nang sabihin nito na huwag naman siyang saktan.

Pinalabas pa umano ni Gng. Ventura sa klase ang estudyante at sinabihan pa siya na abangan sa labas ang ipinagmamalaki niya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply