High tech equipment ng Kano sinubukan ng mga Pinoy

NARANSAN ng mga tauhan ng Philippine Navy na makahawak at gumamit ng mga sopistiakadong kagamitan ng US pagdating sa larangan ng search and rescue at salvaging operation.

Ito ay habang habang sakay sila ng USS Safeguard, Rescue and Salvage ship bilang bahagi ng military exercises ng bansa malapit sa binabantayang West Philippine Sea.

Kabilang sa sinagawang pagsasanay ang deep sea diving exercise kung saan ay isinaagwa ang pagsisid sa ilalim ng dagat na may lalim na 60 talampakan.

Ayon aky Navy spokesman Lt. Col. Omar Tonsay na tatagal pa hanggang sa Hulyo 8, 2011 ang ginagawang joint military exercise na sinimulan noong Hunyo 28.

Nilinaw ni Tonsay na ang tinatawag na Carat Exercises ay taunang ginagawa sa bansa kasama ang tropa mula sa Estados Unidos at walang kinalaman sa nagaganap na tension sa bahagi ng West Philippine Sea. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply