Hiling na extension ng MNHPI tinanggihan ng PPA

HINDI pumayag ang Philippine Ports Authority (PPA) sa kahilingan ng Manila North Harbor Port Inc. (MNHPI) na palawigin ang palugit para makumpleto ang pagsasaayos ng domestic cargo at terminal ng mga pasahero  sa Tondo, Maynila.

Nais ng MNHPI na tapusin ang unang bahagi ng pagsasa-ayos ng port sa taong 2017 imbes na sa 2013 na siyang nakasaad sa kontrata kung saan babaguhin ang disenyo ng 10 pier sa tatlong terminal port na may malalapad na daungan na may kapasidad ng limang beses ang taas kaysa dating nakatayo rito.

Ayon sa PPA board, masyadong malayo ang hiling na completion date ng MNHPI kumpara sa pinangako ng kumpanya sa bid proposal nito.

Giit naman ng MNHPI na naantala ng isang taon ang kanilang pag-take over sa lumang pasilidad dahil sa mga problema sa mga manggagawa kayat humiling sila ng karagdagang panahon kung saan balak nilang simulan ang unang bahagi ng pagsasa-ayos at modernisasyon ng pasilidad sa taong 2012.

Bibigyan lamang ng PPA ang kumpanya ng tatlong taon para tapusin ang trabaho nito dahil kung papayagan ito sa extension ay malalabag ang kontrata at awtomatikong hindi na masusunod ang P14.5 bilyong kontrata.

Ang MNHPI na dating sosyong kumpanya ng Harbor Centre Port Terminal Inc. at Metro Pacific Investment Corp. na pag-aari ni Manuel V. Pangilinan ang siyang nanalo sa 25 taon na concession sa pasilidad noong Agosto 2009.

Kumalas si Pangilinan sa concession ng hindi makopo ang kontrol sa kasosyo nito. Pinalitan ang grupo ng San Miguel Corp. na may 35 porsyento pagmamay-ari sa MNHPI ngayon.

Dinisenyo pa umano ng mga eksperto sa Singapore at Netherlands ang master plan para sa Manila North Harbor na kinokonsiderang pinaka-abalang pantalan subalit nangangailangan ng episyenteng disenyo para sa mas episyenteng serbisyo. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply