Himpilan ng pulisya sa Cagayan naabo

TINATAYANG P750,000 ang napinsala makaraang masunog ang himpilan ng pulisya sa bayan ng Solana, Cagayan.

Nabatid na tinupok ng apoy ang kusina ng himpilan ng pulisya kung saan nakalagay ang rubber boat na ginagamit na pang-rescue ng PNP na kasama ring nasunog.

Ayon sa ulat, nahulog ang apoy mula sa napabayaang kalan sa mga nakaimbak na panggatong na siyang pinanggalingan ng sunog.

Kaagad namang naapula ang apoy ng mga rumespondeng bombero.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply