Hindi mabubuhat ni PNoy ang kanyang bangko

HANGGA’T maaari, ayaw magbuhat ng sariling bangko si PNoy. Mining tu sey, ayaw ni PNoy na purihin ang kanyang sarili sa kanyang pinaggagawa bilang Boss sa repablik ni Juan.

At tama lamang ang ganitong ginagawa niya.

Hahayaan na lamang niya si Juan na tumimbang kung siya’y kulang o sobra o katamtaman.

oOo

Tingnan natin.

Inaantay natin, Suki, si PNoy na talakayin ang utang ng gobyerno noong inihahayag niya ang kanyang Ulat sa Bayan.

Op kors, tinalakay naman niya ito. Pero ukol sa P177 bilyong utang ng National Food Authority na ipinamana umano sa kanya ni Gloripie.

Ang inaantay natin talaga ay ang utang ng pambansang pamahalaan kaugnay ng pambansang badyet. Hindi niya tinalakay ito kahit inaprubahan na niya ito.

Lumalabas, Suki, magbabayad ang gobyerno ng P367.2B para sa utang pero para sa interes lang. Magkano ang principal?

Noong nakaraang taon, nasa kabuuang P739B. Halos kalahati ng pambansang badyet na nasa P1.6 trilyon.

Ngayon naman, magkano ba talaga ang kabuuang halaga mula sa P1.8T na badyet sa 2012 ang ibabayad sa utang?

oOo

Tinatalakay natin ito, Suki, dahil ang pagbaklas mula sa pambansang badyet ng halos kalahati nito para ipambayad lang sa utang ang pinakamalaking dahilan ng hindi natin pag-unlad.

May utang ang gobyerno na nasa P5T at ang Napocor lang ay may mahigit sa P1 trilyon.

Pagbayad natin sa utang, kakarampot na lang ang natitira para sa ating mga pangangailangan at malaking bahagi pa ang ibinubulsa ng mga onorabol.

Tanong: ano ba ang gagawin ni PNoy sa pabigat na ito?

Hangga’t walang malinaw na sagot si PNoy rito, hindi nga siya dapat na magbuhat ng sarili niyang bangko.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply