Hindi nabanggit sa SONA, fiscals nagtampo

PUMALAG ang mga abogado ng ilan sa pamilya ng mga biktima sa Maguindanao massacre sa hindi pagkakasama ng nasabing kaso sa State of the Nation Address ni Pangulong Noynoy Aquino kahapon.

Nagtataka si Atty. Harry Roque kung bakit binanggit sa State of the Nation Address ni President Noy ang “extrajudicial killings” pero hindi nabanggit ang Maguindanao massacre case gayong ito ang itinuturing na pinakamarahas na insidente ng extrajudicial killing sa Pilipinas.

Dahil rito, maaari aniya itong magbigay mensahe na hindi kasama sa prayoridad ng Aquino administration ang nasabing kaso.

Sinabi naman ni Atty. Nena Santos na posibleng ang paghahayag ni suspended ARMM Gov. Zaldy Ampatuan hinggil sa mga dayaang naganap sa ARMM noong 2004 at 2007 election sa kanilang rehiyon ang dahilan kasama hindii ito gaanong nabigyang prayoridad ng Pangulo.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply