Hindi nakasingil ng pautang, misis gulpi kay mister

LAMOG ang mukha ng isang misis matapos gulpihin ng kanyang mister nang magalit ang huli dahil hindi nakasingil ng pautang ang una sa Caloocan City, Sabado ng gabi, Hulyo 16.

Nakilala ang biktima na si Julia Inta, 28, ng Salaysalay St., Dagat-dagatan, nasabing lungsod.

Nadakip naman si Arturo Inta, 36, nang humingi ng tulong ang biktima sa mga pulis.

Sa ulat, alas-8 ng gabi, malungkot na umuwi ng bahay ang biktima matapos walang masingil sa mga pautang kung saan inabutang lasing ang asawa.

Nang malaman ng mister ang pangyayari ay nagalit ito hanggang sa bugbugin ang biktima.

Matapos magpagamot ng mga pasa ay nagtuloy sa presinto ang biktima at ipinadakip ang asawa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply