Hindi puwede!

PWEDE bang maging state witness si Zaldy Ampatuan kung magbibigay sya ng mas marami pang ebidensya tungkol sa dayaan sa eleksyon?

Para sa akin ay hindi dahil alam na natin ang dayaan sa eleksyon, walang bago sa mga isiniwalat ni Zaldy at kung gugustuhin ng pamahalaan ay may mga makakasuhan na batay sa mga ebidensya na meron na ang gobyerno.

Doon naman sa kaso ng massacre sa Maguindanao, pwede ba maging state witness si Zaldy kung totoo nga na handa sya na ilaglag ang kanyang pamilya?

Hindi pa rin. Dahil sa mga kaso na tulad ng karumal-dumal na Maguindanao massacre, ang pwede lang maging state witness ay yung “least guilty” o yung pinakamababa o pinakamaliit ang pwedeng partisipasyon sa krimen.

At sa aking palagay ay hindi qualified si Zaldy.

Huwag naman na gawing bayani si Zaldy, baka gusto lang nya makawala sa kaso ng Maguindanao massacre.

Kawawa naman ang pamilya ng mga biktima kung ganun.

Hindi maalis sa isip ko na pinagplanuhang palabas ang ginagawa ni Zaldy Ampatuan.

Nang mawala sa pwesto si PGMA na sinasabing matalik na kaibigan daw ng pamilya Ampatuan, ayon sa iba ay humina na ang pamilya lalo at nakakulong ang mga pinuno nito.

Sa pelikulang aming ginawa, ang Deadline: The Reign of Impunity. Halos kahawig ng tunay na mga pangyayari ang takbo ng kwento.

Sa ending ng pelikula, malalaman ninyo kung ano ang pwedeng gawin ng isang makapangyarihang gobyerno na desperado na at namomroblema sa mga kaalyado sa pulitika na makapangyarihang mga pamilya.

Mga pamilya na marami nang alam tungkol sa katiwaliang kinasasangkutan ng pamahalaan.

Sa ending ng pelikulang Deadline mangingilabot kayo sa magiging desisyon ng isang gobyerno sa isang problema na kapag sumambulat ay damay ang marami sa matataas na opisyal ng gobyerno.

Ang Deadline ay isang pelikula na salin sa mga pangyayari na hawig sa tunay na mga karanasan nating mga Pilipino sa larangan ng pulitika at malayang pamamahayag.

Abangan ninyo: “Deadline” sa July 22, 2011 na po. SM North Edsa Cinema 10. Sana ay supor-tahan nating lahat!

Mag text po kayo sa akin sa 09209280847 o mag-email sa: ariel.inton@gmail.com.  Mahalaga sa akin na malaman ang inyong saloobin at opinyon sa isyung ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply