Hindi state witness si Zaldy Ampatuan

MATINDI ang kultura ng pulitika sa ating bansa: hindi mahalaga ang dugong nananalaytay sa angkan ng Ampatuan; nawawasak ang buong pamilya, lumulusot at naghuhugas ng kamay ang mga salarin.

Walang offer na maging state witness si dating Governor Zaldy Ampatuan ng ARMM– Autonomous Region in Muslim Mindanao. Sinabi niyang handang talikuran ang ama at kapatid upang lumutang ang katotohanan sa karumal-dumal na krimen.

May mga lumabas na balita na ilang member ng Gabinete ang nag-aabogado kay Zaldy para maging testigo ng gobyerno. Kesyo meron daw emisaryo na nakipagkita kay PNoy. Bukas naman ang
Malakanyang na pag-aralan ang mga impormasyon na ibibigay ni Zaldy at meron nang grupo na inatasan si PNoy na ito ay i-process nang mabuti.

Lamang-  ang lumabas sa pahayag ni Zaldy ay walang kinalaman sa Ampatuan case kundi mga naganap na dayaan sa halalan sa Maguindanao. Bukod kay Zaldy, lumutang na rin si Atty. Lintang
Bedol matapos magtago ng apat na taon at dayaan din sa eleksiyon ang ibinabandila.

Ang hiningi ni Zaldy ay proteksiyon sapagkat may banta sa kanyang buhay.

Ito naman ay ipinagkaloob ng gobyerno sapagkat mahalaga ang buhay ng tao.

Nauna rito, sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na hindi puwedeng maging state witness si Zaldy dahil hindi ito umaamin ng pagkakasala at siya ay pangunahing akusado sa karumal-dumal na krimen.

Hindi tama na maging state witness si Zaldy upang malaman lamang kung ano pang kabalbalan, kung meron man, ang  ginawa ng dating Pangulong GMA.

At nagsimula na si Zaldy na kaya raw nanalo si Sen. Migs Zubiri noong 2007 ay dahil sa mag-asawang Arroyo. Ito ay mahigpit na pinabulaanan ni Zubiri at marami raw sindikato ang nagkalat sa
Maynila at dito nga nawalan ng boto si Zubiri at hindi sa Maguindanao.

Wala siyang alam na dayaan at ang isyu ay decided na sa Senate Electoral Tribunal.

Sobra nang marami ang mga testigo sa Maguindanao Massacre.

Hindi na kailangan na maging state witness si Zaldy sa resolusyon ng kaso na maaaring tumagal ng 40 taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply