Hindi trip ni Cherrie na mag-apologize kay Jean

MATIGAS si Cherrie Gil na hindi mag-sorry kay Jean Garcia kung nag-adlib siya ng pananampal sa huli para sa eksena ng ‘Time of My Life” na magsisimula sa August 1 sa Telebabad block ng GMA-7 kung saan ay tampok sina Mark Herras at Kris Bernal.

Artist daw siya at hindi raw masama ang mag-adlib pag nadadala sa isang eksena. Natural lang daw ‘yun.

Inurirat naman namin si Jean Garcia tungkol sa napapabalitang away nila ni Cherie.

“Huwag na nating palakihin kasi wala naman talaga. Kumbaga, we’re okey. Normal lang trabaho, ganun.”

Nagpatalbugan din ba sila sa mga sayawan?

“Meron sa first pero ako kasi, meron akong show,e…’yung dancing queen kaya ang dami kong sayaw at saka ‘yung mga bata. ‘Yung talagang hinahagis-hagis ka,” sey pa niya.

“At saka walang double ha, kami talaga lahat kasi nu’ng una, kaya ba?…kaya ba? Pero nu’ng nagre-rehearsal naman, okey naman, hindi na kailangang kumuha ng double. Proud din kami dahil alam naming walang daya,” dagdag pa niya.

So wala ring double sa mga sampalan, kayo lang talaga yun?

“Ano, parang ang labo mo. Ewan ko sa iyo diyan,” tumatawang sagot ni Jean.

“Hayan o, may TV (camera) …ayaw ko..ayaw ko kasi may TV, e!,” pagbibiro pa ng aktres.

Ano ang reaksyon niya na pati si Zoren Legaspi ay ibinabalita  sa “Paparazzi” ‘yung awayan nila ni Cherie?

“Ano naman.. we’re okey naman, bhe. Kumbaga, meron lang nangyari sa eksena na nabigyan lang ng maling interpretasyon. But we’re okey, na-fix naman ‘yun. Kaya nagkaroon lang ng ano..kasi nga hindi kasama sa eksena..may nangyari parang ganoon na hindi kasama sa blocking at nadagdagan. Ako naman, siguro,..siyempre baka naman nadala lang ng emosyon. Parang ganoon, so okey naman,” pahayag pa ni Jean.

Pero ang lumalabas na balita, may insekyuran daw. Nai-insecure si Cherie sa kanya dahil mas love siya ng mga tao sa set.

“Naku, hindi ko na alam. Hindi ko alam bhe. Siya na lang ang tanungin mo. Ha!ha!ha! Basta okey na. Naku, i-promote niyo ‘yung ‘Time of My Life’ kasi sobrang proud kami at saka talagang pinagpaguran namin,” pag-iwas niya na uriratin pa ang away nila ni Cherie..

***

MUKHANG lumalambot na si Yasmien Kurdi sa isinampa niyang kasong acts of lasciviousness sa Bocaue court kay Baron Geisler.

Isiningit lang daw ng aktres sa kanyang pagdyu-duty bilang intern nurse ang pagsipot sa hearing.

“Actually ang hirap din kasi it’s… Bulacan pa po ‘to.

“Mabuti naman ang kalooban ko, intindihin na lang natin kung may problema pa siya.”

Paniwala naman ni Yasmien, maaaring ang pagsasailalim ngayon ni Baron sa rehabilitation ay malaki ang maitutulong sa pagbabago nito.

“Nagkataong nakapag-rehab na siya and siguro alam na rin niya yung pagkakamali niya,” ayon pa rin sa actress/singer.

“Siguro sa ngayon tanggalin na lang muna natin yung pride, di ba?

“Huwag yung pride papairalin kundi yun, mag-forgive lang.

“Alam ninyo mabuti naman po kaming tao, hindi naman po kami ano… ako madali akong magpatawad and all, basta aminin niya lang ang kasalanan niya and mag-sorry lang siya.

“Hindi sa akin e, hindi lang sa akin mag-sorry, mag-sorry siya… mag-public apology siya sa mga abala na nangyari.”

Sa kasalukuyan, Yasmien works as a volunteer nurse.

***

LIGTAS ang lider ng dating Red Team na si Art at pinaalis naman ang lider ng dating Blue Team na si Alan Choachuy sa naganap na botohan ng mga natitirang Bigating Pinoy ng The Biggest Loser Pinoy Edition noong Lunes (Hulyo 25).

Humarap ang dalawa sa naganap na elimination ceremony, kung saan nakakuha ng limang boto si Alan, dahil sila ang dalawang pinakamababa ang porsiyento ng timbang na nabawas.

Iba sana ang ihip ng hangin kung natalo ng tambalang Ryan at Eboy, ang mga pambato ng original contestants, ang mga bagong pasok na wild cards na sina Andy at Leigh sa weigh-in. Malayo ang 3.31% na naitala nina Andy at Leigh sa 3.02% nina Eboy at Ryan.

Gayunpaman, tinanghal namang Biggest Loser of the Week si Ryan (4.72%), na natulungan ng five point weight advantage na nakuha niya matapos manalo sa Temptation challenge.

Samantala, hindi man lubos na nagpakita ng emosyon, umamin si Alan na mami-miss niya ang mga kasamahan sa camp dahil pamilya na ang turing nila sa isa’t isa.

“Unang-una si Larry, kasi siya ang lagi ko kasama. Si Art kasi pareho kaming lider sa grupo namin at lagi naming pinapalakas ang loob ng isa’t isa. Si Angela is super sweet at pakiramdam ko para ko siyang nakababatang kapatid,” pagbabahagi niya.

Dagdag pa ni Alan, nais niyang maranasan ni Angela at ng asawa nito kung ano ang nadama niya at ng asawang si Caroline nang ipanganak ang kanilang unico hijo. Ang magka-baby kasi ang layunin ni Angela sa pagpasok sa Biggest Loser.

Sa kasalukuyan, patuloy ang pagbaba ng timbang ni Alan, na lumalahok na ngayon sa mga fun run. Aniya, dala pa rin niya ang mga natutunan sa loob ng camp.

“Hindi kailanman huli para magbago. At saka bago mo baguhin ang ibang tao, tignan mo muna ang sarili mo sa salamin. Magsimula ka sa sarili mo at maging magandang halimbawa,” aniya.

Ngayong linggo, sasabak sina Angela, Andy, Art, Eboy, Hazel, Larry, Leigh, Raffy, Ryan, at Winwin sa samu’t saring trabaho tulad ng pagbubuhat sa planta ng yelo, paninilbihan sa isang poultry at talyer, para manalo ng kanilang pangkain. Alamin kung anong alternatibong lutuin ang itinuro ng resident nutritionist na si Nadine Tengco sa mga bigating Pinoy habang wala silang pangkain.

Abangan din ang fashion show tampok ang mga na-makeover na bigating Pinoy pati na rin ang kuwento sa namumuong tensyon sa pagitan ni Eboy at ng ibang contestant. Lahat ng iyan sa isa na namang  makapagbagong-buhay na linggo sa The Biggest  Loser Pinoy Edition, pagkatapos ng “Minsan Lang Kita Iibigin”sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply