Holdaper todas sa kabaro

ISANG hinihinalang holdaper ang napatay habang nasugatan ang kasamhan nito nang ratratin sila ng umano’y mga kabaro rin nila sa Quezon City Huwebes ng umaga.

Dead on the spot ang biktimang si Rodel Acero, 20, residente ng Group 6 Area B, Barangay Payatas, Quezon City bunga ng mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sugatan naman ang kasmahan ni Acero na nakilala lamang sa alyas na Padilla, residente rin sa nasabing lugar.

Batay sa inisyal na ulat ni Supt. Ronnie Montejo, hepe ng QCPD Station 6, naganap ang pamamaril pasado alas-diyes kahapon ng umaga sa tapat ng Mario’s Junk Shop na nasa kahabaan ng Litex road sa nabanggit na lungsod.

Ayon sa ulat, lumapit ang isang naka-bonnet sa dalawa at walang awang pinagbabaril.

Kaugnay nito hindi malinaw sa mga kapulisan ng Sattion 6 ang impormasyon na nakuha nila na kagagawan ng mga kasamahan ang pamamaslang sa biktima dahil kilala umanong mga holdaper sa lugar ang napatay at nasugatan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply