Honda Civic Mugen Edition

DALAWAMPU’T ANIM (26) na yunit na lamang ang natitirang Honda Civic Mugen kaya naman siguradong mag-uunahan na ang mga mamimilli sa mga Honda dealerships nationwide pagdating ng Agosto 5. Ang limited edition na Civic ay bahagi ng Honda Civic 2.0 series, na dinisenyo ng kinikilalang Japanese engine tuner at parts manufacturer na Mugen (Motorsports).

Ang Civic Mugen ay dinisenyo para sa mga karerista at mga sporty driver: mayroon itong front and rear under spoiler, side spoiler, front sports grille, ventilated visor at para madagdagan pa ang pakiramdam na para ka nang lumilipad dahil sa bilis, dinagdagan pa ito rear wing.

Ang gulong nito ay fitted ng forged gunmetal aluminum alloy at meron din itong heptagon nut set, door under garnish at ang katangi-tanging at kapuna-punang MUGEN metal emblem.

Tunay ngang ginawa para sa mga karerista ang Civic Mugen dahil ang makina nito ay ang i-VTEC DOHC engine at hindi na rin kailangang umapak sa clutch para magpalit ng kambyo. Ang Mugen, ay salitang Hapon na ibig sabihin ay “unlimited,”at kadalasan ay inuugnay ito sa salitang “power.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply