Honda motorcycles, palalawigin pa ang planta

HALAGANG P2.95 bilyon ang inihahandang puhunan ng Honda Philippines Inc. para sa expansion ng kanilang bike plant sa Batangas bilang pagtugon sa tumataas na demand para sa mga motorsiklo sa bansa.

Kasama na rin sa budget ang pagbili ng mga kagamitan para sa in-house production ng mga pangunahing bahagi ng motorsiklo – mga parte ng makina, chassis, fuel tank, at maging ang mga plastic materials sa pagbuo ng body ng motorsiklo.

Bilang unang hakbang, magsisilbi muna itong manufacturing plant ng 110 cc automatic transmission models. Nakatakda naman sa mid-term expansion ang pagbuo sa mga non-automatic models.

Target ng Honda na makapaglabas ang planta ng 600,000 mga yunit ng motorsiklo pagdating ng April 2012.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply