Hot! Hot! Hot!: Dahil ayaw balikan ng lesbong kabit, balik bungangera ang osla ng aktres

NAKADALAWANG boyfriends na pala yung aktres na akala ng showbiz insiders ay kuntentong-kuntento na sa pakikipagrelasyon sa isang napakayamang lesbyana.

Ibang klase rin naman kasi ang aktres na ito. Nung una, habang karelasyon pa n’ya ang lesbyana, biglang na-in love siya sa isang matandang lalake. Matandang lalake na pinsan ng lesbyanang lover n’ya. Matandang lalake na bayaw ng isang magiting na politician mula sa magiting na Ilocos region. Actually, talagang mahilig sa matanda ang aktres na ito.

Matandang may asawa’t anak. In fact, may anak nga siya sa isang matandang mayamang negosyante from the South naman.

Wala ring delikadesa yung matandang huling sinamahan ng aktres. Kahit na alam n’yang lover ng lesbian cousin n’ya yung aktres, pinatulan pa rin n’ya. Pero drug user kasi ang matandang yon. (Nagsususpetsa tuloy kami ngayon na baka pati ang kapatid ng matandang lalakeng iyon na misis ng isang politician from the North ay drug user din. After all, yung politician-husband n’ya ay may reputasyong drug user mula pa nung kabataan n’ya.)

Pero mabilis na pinagsawaan ng matandang lalake ang aktres. Pagkalipas lang ng ilang buwan ay pinagtaguan na n’ya ang aktres. Nag-eskandalo ang aktres sa opisina n’ya, kaya isinumpa ng buong angkan ng matandang lalake ang aktres.

But then the actress soon found herself another boyfriend. Pero iniwan din siya ng boyfriend pagkalipas lang ng ilang buwan. Sinubukan ng aktres na makipagbalikan sa lesbyanang bigla n’yang naalala ng pinaginhawa ang kanyang buhay, pati na ang buhay ng mga anak n’ya.

Pero ayaw na siyang balikan ng lesbyana. Kasi nga, binantaan ang lesbyana na tatanggalan siya ng mana ng pamilya kapag nakipagbalikan pa siya sa laos na aktres na yon. Unquestionable ang yaman ng pamilyang yon na hindi naman yata mula sa smuggling at illegal gambling. Naging mainitin tuloy uli ang ulo ng aktres at bumalik sa pagiging bungangera.

Pero may savings pa naman ang aktres. Hindi pa naman siya naghihirap kahit wala na siyang milyonaryo o milyonaryang benefactor. Sa sosyal na sosyal na condo pa rin naman sa Makati nakatira ang aktres. Papalarin naman siguro siya uli na makahanap ng mayamang mangingibig.

***

Tagong lesbiyana ang multi-awarded actress!

KUNG kayang-kaya ng aktres na yon na makipagrelasyon sa isang lesbyana, isang napakahusay na drama actress naman ang nagpapasasa na sa pagiging lihim na lesbyana. Dating bold star ang aktres na ito. Nagkaasawa siya at nagkaanak ng dalawang lalake. Wala na ang mister n’ya.

Noon pa man ay marami nang showbiz insiders na nakakaalam na lesbyana ang aktres na ito–pero konti lang kaming showbiz reporters na nakakaalam na lesbyana siya. May kinahumalingan na siyang sometime actress na sinundan pa n’ya sa Amerika nung nag-aral ito ng filmmaking doon. Pero ayaw nang bumalik sa Pilipinas ng sometime actress, kaya’t pagkalipas ng ilang buwan ay bumalik na rin sa Pilipinas ang lesbyana–dahil may asawa’t anak siyang naghihintay, bukod pa sa kanyang career.

Galante rin naman ang lesbian actress. Mahusay mag-please ng girlfriend na ibinabahay n’ya. Kamakailan ay nag-shopping sila ng furniture para sa lovenest nila. Siyempre pa, sa isang upscale na furniture-interior decorator shop sila pumunta.

Naka-light make-up lang ang aktres at naka-maong pants. Para siguro walang makakilala sa kanya. Habang gumagala sa malaking shop na yon, magka-holding hands ang lesbyanang aktres at ang girlfriend. After a while, biglang nag-lips-to-lips ang mag-sweetheart sa isang panig ng malaking shop na akala nila ay di namamatyagan ng staff at ng iba pang shoppers (na iilan lang naman). Ipinarating ng staff ang nasaksihan nila sa owner ng shop na di makapaniwalang lesbian ang napakagandang aktres na dating may asawa at may mga anak. For some reasons, na-meet namin ang babaeng shop owner na yon kamakailan, at pagkatapos ng mahabang kyemehan at tsikahan ay tinanong kami kung lesbian ang aktres. Kasi nga ay nabalitaan n’yang nakikipag-lips-to-lips ang aktres sa isang babae na mas bata at ipinagsya-shopping n’ya ng mamahaling furniture para sa condo unit nito (na malamang na ang nagbabayad ay ang super busy pa rin namang aktres).

Sumagot naman kami na kung hindi n’ya kami iku-quote kahit kanino, sasabihin naming matagal nang lesbyana ang aktres.
Maski na nung dalaga pa siya at ibinubugaw ng sarili n’yang ina sa mga lalakeng mayaman, lesbyana na siya.

Sana, mag-out na ang aktres, umamin na, para malaman ng mga mahal n’yang kababayan at fans na hindi lahat ng lesbyana ay mukhang lalake at kilos lalake, at hindi lahat ng babae na nag-aasawa at nagkakaanak ay tunay na babae. At para na rin malaman ng mga fans at nagpapaka-conservative kuno na mga Pinoy na okey lang maging lesbyana o pa-machong bading!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply