House handa na sa SONA ni PNoy

IDINEKLARA ni House Speaker Feliciano Belmonte, Jr. ang kahandaan ng House of Representatives sa pagtanggap kay Pangulong  Benigno “PNoy” Aquino III para sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes ng hapon.

“I am gratified by the efforts and close coordination among the concerned agencies of both the national and local governments, the military and police and our own House Secretariat to ensure the success of the SONA,” ani  Belmonte.

Inihayag din ng Speaker na ang magiging mensahe ng Pangulo sa kanyang SONA ay siyang mahalagang gabay sa mga trabaho sa Kongreso sa second regular session.

“While we await a clear national direction from the President, we in Congress will continue policy reforms already set during the 2010 SONA,” paniniyak ni Belmonte.

Idinagdag din ng Speaker na naging batas na ang ilan sa 23 presidential legislative priorities.

Inaasahan sa SONA ang pagdalo ng mga espesyal na panauhin, 285 members ng Kamara, 23 senador, ang gabinete ng Pangulo at ng kani-kanilang asawa, Judiciary at Diplomatic Corps at religious groups.

Ayon kay Belmonte, ang SONA ang siyang  pinaka-espesyal na taunang media event kaya umaabot sa mahigit sa 2,000 media representatives mula sa national, provincial at foreign print, television and radio networks, kabilang  ang web-media ang  nagkukober  ng  live at  direkta mula sa  Batasan  Plenary Hall.

Pinaghandaan ang nasabing okasyon sa loob ng maraming linggo sa pangunguna ng Task Force SONA na binuo ng Speaker at kinabibilangan ng iba pang pangunahing opisyales at staff mula sa House of Representatives at Senate, Malacanang ,Presidential Security Group, Philippine National Police,  Armed Forces of the Philippines at ng Metro Manila Development Authority.

Ang mga militar at pulisya ay tumulong sa Task Force SONA at idineklara ang one-kilometer “No Fly Zone” sa area ng House of Representatives complex sa pagitan ng 1:00 pm hanggang 6:00 pm sa Hulyo 25.

Pinaalalahanan din ni  House Secretary General Marilyn Barua-Yap, na siyang  co-chairs  sa  Task Force SONA kasama  ang Senate Secretary Atty. Emma L. Reyes, na  ang  lahat ng  transaksyon sa House Secretariat at Congressional offices ay suspendido sa araw ng SONA.

Ito ay sa  kabila ng pormal ding pagbubukas ni Belmonte ng second regular session ng House of Representatives sa Lunes  para sa pag-apruba  sa Joint Senate-House Resolution na nagdideklara ng kahandaan ng Kongreso sa pagtanggap kay  Pangulong Aquino sa kanyang SONA sa bandang  hapon.

Ibabalik ang regular na transaksyon sa Kamara sa Martes. Beth Aragon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply