Huli man daw at magaling

MARAMING nangyaring nakagugulat noong nakaraang linggo.

Una ay lumutang si suspended Autonomous Region in Muslim Mindanao Gov. Zaldy Ampatuan at nagpahayag na handa na siyang magsabi nang lahat ng kanyang nalalaman sa naganap na Maguindanao massacre.

Nagulo ang diskarte ng prosekusyon dahil sa ginawang ito ni Zaldy na sa isang panayam ay nagpahiwatig na gusto niyang maging state witness at tumestigo laban sa kanyang tatay na si Andal Sr. at kapatid nasi Andal Jr., na katulad niya ay pawang principal accused sa kaso.

Pero mabilis na sinibat ng mga prosecution lawyers at maging ni Justice Secretary Leila de Lima ang intensyon ni Zaldy at diretsong sinabi nila na hindi nila kailangan ang testimonya niya para ipanalo ang kaso.

Nakipagkita pa nga kay Pangulong Noynoy sa Palasyo ang mga kamag-anak ng mga biktima para siguruhin na hindi siya papayag sa gusto nang dating gobernador.

Kaya dahil doon ay nadiskaril ang diskarte ni Zaldy.

Nang walang mangyari sa una niyang plano, ay hindi pa rin ito tumigil para “makuha” ang pansin ni Pangulong Noynoy.

Ito ay nang ibunyag niya ang lahat ng kanyang mga nalalaman sa nangyaring dayaan noong 2007 senatorial elections sa ARMM.

Dahil sa ginawa niyang ito ay tuluyan na niyang nakuha ang atensyon hindi lamang ni Noynoy kundi nang maraming iba pang  mga pulitiko.

Mas higit pang tumindi ang isyu ng biglang lumutang si Lintang Bedol , ang kontrobersyal na dating ARMM election officer para sabihing nagkaroon din ng dayaan noong 2004 presidential elections.

Sa madaling salita ay pinalalabas nina Zaldy at Bedol na ang tunay na nanalo sa nasabing hala-lan ay si Fernando Poe Jr. at hindi si dating Presidente Gloria Macapagal-Arroyo.

Para sa akin ay mukhang lalong naging magulo ang dati nang magulong sitwasyon dahil sa mga rebelasyong ito.

Lumalabas kasi na parang isa itong organisado at planadong pagkilos na ikinukumpas ng isang mahusay na public relations man.

At ang tanging layunin ng PR job na ito ay mailayo ang atensyon ng taumbayan mula sa mga mas  seryoso at napapanahong isyu o usapin.

Pero kung talaga namang makatutulong ito para lumabas ang katotohanan ay dapat sigurong pagbigyan natin ang mga sumusuporta o handlers nila.

Tutal may kasabihan tayong mga Pinoy, huli man daw at magaling ay huli pa rin. He-he! Di ba Mark B?

Mali pala, huli man daw at magaling ay maihahabol pa rin.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply