Human trafficking tutuldukan ng administrasyong Aquino

MAHIGPIT na ipatutupad ng administrasyong Aquino ng isang multi-pronged strategy upang labanan ang human trafficking.

Binigyang-diin ni Foreign Affairs Undersecretary Esteban Conejos ang pangangailangan para sa isang komprehensibong istratehiya na may mga elemento ng pag-iwas, pangangalaga, at pag-usig upang labanan ang human trafficking sa bansa.

Sinabi ni Conejos na gumawa ng mga programa ang Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) upang tiyaking matitigil ang human trafficking sa Pilipinas.

“Sa bahagi ng pag-iwas, ang unang programa ay kamalayan. Kailangan nating ipaalam sa publiko ang mga panganib ng bentahan ng tao. Balak naming dalhin ang kampanya ng kamalayan mula sa pambansa pababa sa rehiyonal hanggang sa antas ng barangay. Ang paglahok ng lokal na unit ng pamahalaan ay kritikal sa tagumpay ng programa,” wika ni Conejos.

Ang pangalawang programa ay ang pagtatayo ng one-stop processing centers sa mga paliparan at pangunahing daungan. Magkakaroon ng multi-agency task force upang bantayan ang one-stop processing centers at tingnan ang mga dokumento ng mga tao upang matiyak na hindi sila biktima ng human trafficking.

Binigyang diin niya na hindi papayagan ang sinumang kahina-hinalang karakter o aplikante na makalabas ng bansa maliban kung tiyak na hindi sila biktima.

Ang pangatlong programa aniya ay ang epektibong pag-usig upang mahadlangan ang bentahan ng tao.

Kabilang dito ang masugid na pagtatrabaho ng Department of Justice (DOJ) upang maipanalo ang mga kaso laban sa mga human traffickers sa korte.

Partikular na tinututukan umano ang pagbago ng mga pasaporte ng mga sindikato ng human trafficking upang maipuslit ang mga biktima palabas ng bansa.

Nilinaw ni Conejos na mahirap baguhin ang mga pasaporteng dumadaan sa proseso ng E-passport dahil sa mga karagdagang tampok na seguridad nito.

Sa kanyang bahagi, sinabi ng tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Commodore Miguel Rodriguez na gumagawa ng paraan ang Pilipinas, kasama ang Indonesia at Malaysia, sa paglaban sa human trafficking. 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply