Huwag babuyin ang Maguindanao massacre

SA PAKIRAMDAM ng marami, may mga misteryong nagaganap sa mga principal suspect sa Ampatuan o Maguindanao massacre.

Makaraan ang pagbubulgar ng pandaraya umano ng nakaraang administrasyon kay Da King o Fernando Poe Jr. noong 2004 presidential polls, biglang nakalabas ng kulungan si Zaldy Ampatuan at nagpapagamot ngayon sa Heart Center of the Philippines.

Hindi natin kinukuwestiyon ang pagpapagamot ni Zaldy sa ospital sa labas ng Bicutan Rehabilitation Center pero naging napakabilis ang pangyayari.

Makaraang magsalita si Zaldy at sinegundahan ni Lintang Bedol na bigla ring nagpakita, may mga lumalabas na alingasngas na nagiging dahilan ng pagluluwag ng gobyernong Aquino.

Isama na rin natin ang kahandaan umano ni Zaldy na tumestigo laban sa kanyang ama na si Andal Ampatuan Sr. at kapatida niyang si Andal Ampatuan Jr.

PULITIKA MUNA BAGO MASAKER

Ano nga ba ang mayroon sa nagaganap kay Zaldy at ano-ano ang mga magaganap kina Andal Sr. at Jr?

May magaganap din kayang milagro o misteryo para makalabas din sa kulungan ang mag-amang ito?

Isang tanong dito, mga Bro, ay kung ililigwak ang Maguindanao massacre kapalit ng FPJ massacre?

Alam na alam naman nating atat na atat na maipakulong nina PNoy si Aling Gloria at magagamit nila si Zaldy at mga kasama nito.

HUWAG BABUYIN ANG MASAKER

Huwag na huwag babuyin ang Maguindanao massacre dahil lamang sa pulitika.

Parang nakikita natin ang muling pagbabalik ng malupit na  warlordismo sa Maguindanao at Autonomous Region in Muslim Mindanao kung hindi mapanagot ang dapat na managot sa krimen.

Ang balita kasi sa lugar na iyan, malayong mas marami ang napapatay riyan kumpara sa 58 kataong minasaker sa Maguindanao. Mayroon umanong tsinap-tsap sa pamamagitan ng chainsaw, may basta na lang binabaril  at nawawala.

Ang mga Ampatuan ba ang may kagagawan? Nanginginig sa takot, mga Bro, na magsalita ukol sa mga bagay na ito ang mamamayan.

Sa Ampatuan massacre, marahil ay magkakaroon ng solusyon sa takot ng tao sa nasabing lugar.

Anomang reklamo ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o itawag sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply