Huwag magpakasiguro sa bagong Ombudsman

MALAKI ang pag-asa nina Pangulong Noynoy na gugulong ang ulo ng maraming corrupt sa nakaraang administrasyon sa pag-upo ni bagong Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Siyempre pa, nakikiisa tayo sa pakikipaglaban ni PNoy sa mga tiwali. Kaya lang, hinay-hinay lang dahil hindi naman superwoman si Ombudsman Morales.

70 YEARS OLD

Bilib tayo sa kredibilidad ni Ombudsman Morales.

Lalo’t kinakambalan ito ng kanyang katwiran na hindi siya basta magsasampa ng kaso laban sa mga inaakusahan hangga’t walang matibay na ebidensiya. Sinabi rin nitong hindi siya mapaghiganti sa mga pumupuna sa kanya.

Pero sa edad niya tayo kinakabahan. Dahil grabe ang pressure sa trabaho, baka matulad lang siya kay Comelec Chairman Sixto Brillantes na bigla na lang bumigay ang katawan makaraan lamang ang ilang buwan na pag-upo sa Comelec dahil sa edad at bigat ng trabaho.

Totoo, mukhang teksas itong si Chairman Brillantes dahil kahit na nagkaroon siya ng karamdaman, tuloy pa rin siya sa trabaho. Paano kaya kung ma-Brillantes si Madam Ombudsman? Paano ang laban sa katiwalian?

TALO SA SC

May mga pagkatalo rin si Ombudsman Morales sa Supreme Court.

Dito lang sa kasong Truth Commission, talo ang kanyang posisyon na pupuwedeng imbestigahan si Aling Gloria sa pamamagitan ng nasabing komisyon. Katwiran ng mayorya sa SC, labag sa equal protection of laws ang pagtarget lang kina Aling Gloria at hindi na ang mga KKK ni PNoy at sina Erap at Tabako.

Ngayong nasa Ombudsman na siya, pupuwedeng kapalit na ng Office of the Ombudsman ang Truth Commission sa maniobra ng Malakanyang. Pupuwede nang magsubo nang magsubo sina PNoy ng mga kaso rito para sa imbestigasyon.

Pero paano kung umabot ang kaso sa Sandiganbayan, Court of Appeals at Supreme Court? Eh, may pagkatalo rin si Madam Ombudsman!

Siyempre pa, magagawa ng Ombudsman ang  mag-suspinde at magtanggal sa puwesto nang pansamantala pero hindi ito ang tunay na katarungan.

Doon sa final verdict o Supreme Court decision tayo interesado dahil diyan makikita ang tunay ng katarungan. Maabutan kaya ni Morales nang buhay ang pinal na laban dito?

Anomang reklamo ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o itawag sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply