Iggy Arroyo guilty! — Ping Lacson

HINDI man direktang sinabi, inihayag na rin ni Senador Panfilo Lacson na “guilty” si Negros Occidental Representative Ignacio “Iggy” Arroyo ukol sa isyu ng Jose Pidal accounts.

Itoy’ makaraang sabihin ni Lacson na ang mga taong “guilty” lamang ang magsasabing ang paghahanap sa katotohanan sa likod ng mga alegasyon ng korapsyon ay pagsasayang lamang ng oras.

“The search for truth about corruption and misuse and abuse of public funds will never be a waste of time and resources. Only those who support such shenanigans or are themselves guilty of committing those acts will say so,” ani Lacson.

Una nang sinabi ni Iggy na isa lamang pagsasayang ng oras ang muling pagbubukas ng imbestigasyon hinggil sa kontrobersiyal na Jose Pidal accounts matapos sabihin ni Lacson na hindi si Congressman Iggy ang tunay na may-ari nito kundi ang kanyang kapatid na si dating first gentleman Jose Miguel Arroyo.

Sinabi ni Lacson na ang paghahanap ng katotohanan sa mga alegasyon ng korapsyon, maling paggamit at pag-abuso sa mga pondo ng gobyerno ay hindi kailanman magiging pag-aaksaya ng oras at panahon.

Taliwas sa sinabi ni Iggy, ayon kay Lacson walang closure sa Jose Pidal probe dahil sa lagi nitong paggigiit ng kanyang right to privacy.

Una nang inihayag ni Lacson na mayroon umano siyang ebidensyang magpapatunay na hindi talaga si Iggy kundi ang kapatid nitong si Mike Arroyo ang tunay na “Jose Pidal.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply