‘Iggy’ Arroyo haharap sa Jose Pidal controversy

HANDANG harapin ni Negros Occidental Rep. Ignacio “Iggy” Arroyo ang imbestigasyon ng “Jose Pidal Controversy.”

Tiniyak ito ng bayaw ni dating Pangulo at Pampanga Rep.  Gloria Macapagal-Arroyo Arroyo , kasunod ng bagong banat ni Senador Panfilo Lacson na may mga ebidensya siyang magpapatunay na hindi si “Iggy” ang totoong Jose Pidal.

Paliwanag ni Arroyo na hindi niya gagayahin ang ginawa noon ni Lacson na umalis ng bansa at nagpalipat-lipat ng pinagtataguan para makatakas sa kinakaharap na kaso.

Aniya, haharapin niya ito ng buong tapang lalo’t alam niyang malinis ang kanyang konsensya.

Pinayuhan pa ni Arroyo si Lacson na kung nais nitong magkaroon ng ‘closure’ sa Jose Pidal controversy ay dapat din umano nitong tapusin ang Dacer-Corbito Double Murder case at Kuratong Baleleng rub-out case.

Hamon pa ni Iggy kay Lacson na kung may hawak itong ebidensya ay huwag gamitin ang media at Senado bagkus ay dapat itong dalhin sa proper forum, ang korte at maghain ng karampatang kaso.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply