Ilang bahagi ng Luzon niyanig ng magnitude 6.2 na lindol

NIYANIG ng magnitude 6.2 na lindol ang ilang bahagi ng Luzon kaninang ala-una ng madaling araw, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, naitala ang epicenter ng lindol sa layong 35 kilometro, hilagang-kanluran ng Iba, Zambales na tectonic ang origin.

Naramdaman ang intensity 4 sa Clark Air Base sa Pampanga; Obando, Bulacan; Quezon City; Manila; Alabang, Muntinlupa; at Bacoor, Cavite.

Intensity 3 naman sa Makati; Pasig; Mandaluyong; Tagaytay at Cabanatuan City sa Nueva Ecija habang intensity 2 naman sa Baguio City.

Sinundan pa ito ng mahinang aftershock na rumehistro sa magnitude 3.9.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply