Ilang kalsada sa Bicol sarado na dahil kay ‘Juaning’

NAGPALABAS ng listahan ang Department of Public Works and Highways ng mga kalsadang hindi madadaanan sa Bicol Region na hinagupit ng bagyung “Juaning.”

Ang mga kalsada ay hindi na madadaanan ng tao at sasakyan dahil sa baha, landslides at mga pagguho ng mga bahagi ng mga daraanan tulad ng Daang Maharlika (Nabua Section) at Nabua-Balatan Road Section na sakop ng Camarines Sur.

Sa bahagi ng Albay, ang mga kalsada na sarado na sa trapiko ay ang Ligao-Tabaco, Sto. Domingo Boundary, Pawabalading, Malinao, Daang Maharlika sa may Salugan Camalig, Culiat Daraga, Legaspi Punta de Jesus, Comunmurado-Penafrancia Road, Tagaytay Camalig, Legaspi-Punta de Jesus ,Tula-tula at Talin-talin Section.

Sa Sorsogon ang mga saradong kalsada ay ang Airport Road, Taromata at San Isidro, Sorsogon.

Nagpadala na ng mga tauhan at kagamitan ang DPWH Region 5 sa mga nabanggit na lugar upang simulan ang clearing operation ng mga humarang at bumara sa mga kalsada, at para sa pagsasaayos ng mga gumuhong kongkreto. Mayroon na ring mga warning signs para sa mga motorista sa lahat ng dulo ng mga naapektuhang kalsada.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply