Ilang lugar sa Davao muling binaha

MULING binaha ang ilang lugar sa Davao City na nagbunsod upang ilikas ang mga residente makaraang tumaas ang tubig sa ilog ng Bangkal, gabi ng Linggo, Hulyo 3.

Dagliang inilikas ang mga residente ng Bangkal, Matina Pangi at Talomo sa Davao City bandang 10 p.m. nang bigla nanamang tumaas ang tubig nang lagpas tuhod.

Nabatid na gumamit ang Davao City Rescue 911 ng panali upang mailikas ang mga residente ng Matina Pangi sa naturang baha.

Nagsilbing evacuation center ng mga naapektuhang pamilya ang mga lokal na simbahan.

Samantala, napinsala na rin ang tulay sa Alcantara Calinan bunsod ng pagbaha.

Humupa naman ang baha bandang 1 am. at walang napaulat na nasugatan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply