Ilang lugar sa MM mawawalan ng tubig

MAWAWALAN ng tubig ang ilang lugar sa Makati, Parañaque, at Valenzuela kasama ang Obando, Bulacan sa susunod na lingo bunsod ng pag-aayos ng mga tubo ng Maynilad Water Services Inc.

Mag-aayos ng tubo ang Maynilad sa Parañaque at Makati City bandang 9:00 p.m. sa Aug. 1 hanggang 9:00 a.m. nang Aug. 2 habang sa Valenzuela City naman ay mawawalan din ng tubig bandang 9:00 p.m. nang Aug. 3 hanggang katanghalian ng Aug. 4.

Ayon sa Maynilad, ito ay bunsod ng pagpapalit ng lumang 900-millimeter (mm) steel pipe sa South Luzon Expressway sa Parañaque City kung saan maglalagay sila ng bagong valves at a strainer at linisin ang 750-mm tubo sa kahabaan ng Rincon, malapit sa near Pelo 1 Subdivision sa Valenzuela City.

Narito ang mga apektadong lugar na mawawalan ng supply ng tubig:

Parañaque-Makati (9:00 p.m. August 1 to 9:00 a.m. August 2)

PARAÑAQUE
• West Service Road ( mula sa Maynilad’s Villamor pumping station hanggang Marcelo Green Village)
• Brgys. Merville, Moonwalk, 185 (Maricaban & Villamor Area)
• Brgy. 201 (Kalayaan)
• Edison Avenue
• Sta. Ana Drive
• San Martin de Porres
• Greenheights
• Camella Homes (Greenheights)
• Craus Subdivision
• Savio Homes
• Remanville
• Malacañang Village
• Japan
• Jamaica
• Brgys. Sun Valley, Don Bosco, San Antonio (SAV 1, 3, 5, 8-11)
• Portion of Brgy. Marcelo (MGV)
• Annex 37

MAKATI CITY
• Magallanes Village at Paseo de Magallanes sa Makati City

Valenzuela City (9:00 p.m. Aug. 3 hanggang tanghali ng Aug. 4)
Brgys. Malinta, Pasolo, Rincon, Mabolo, Poblacion, Palasan, Isla, Tagalag, Arkong Bato, Pariancillo Villa, Balangkas, Wawang Pulo, Polo, Dalandanan at Bisig sa Valenzuela City

Bulacan
Obando Water District

Pinapayuhan naman ang mga residente sa naturang mga lugar na mag-imbak ng sapat na tubig para sa mga oras na mawawalan ng supply. Para sa karagdagang impormasyon at katanungan, maaaring tumawag sa kanilang Hotline na may numerong 1626.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply