Ilang pamilya na binaha inilikas sa gymnasium ng Gensan

NAGPALIPAS ng magdamag sa gymnasium ng Barangay Labangal, General Santos City ang ilang pamilya na apektado ng pagbaha makaraang tumaas ang tubig-baha sa Silway river.

Batay sa pahayag ni Kapitan Lorelei Pacquiao ng Labangal, mahigit sa 100 pamilya ang nakatira sa tabi ng ilog at nasa delikado ang buhay kung biglang lumakas ang ulan.

Nagpaabot naman ng tulong ang mga opisyal ng barangay sa mga naapektuhang residente.

Nanawagan din ang mga residente sa mga opisyal ng lungsod na tulungan sila sa kanilang problema.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply