Illegal recruiter at marupok na bagong pera

BIGYAN naman natin ang ating mambabasa ng pagkakataon na maihayag ang kanilang kaisipan at damdamin sa anomang bagay sa araw na ito.

ILLEGAL RECRUITER PERA ITINAKBO

Javier International Manpower Services Incorporated itinakbo ang perang downpayment ng mga aplikante na “milyon ang halaga.”

Philippine National Police, Department of Labor and Employment, Philippine Overseas Employment Administration at media, paki-imbestigahan po ang ahensyang ito. Tiyak na mag-iiba lang ng pangalang yan. Magpapalamig lang lalo’t mura lang ang piyansa para sa illegal recruitment. Sa P20K lang, makalalaya na lalo na kung my connection pa sa POEA at CIDG.

“Anak ng weteng.”

Downpayment ng tao para sa medical at processing fee papuntang Guam, Poland at Florida, USA nawala. Yun pala, “walang job order.” Pinaasa lang ang mga tao.” +63905732

BAGONG PERA MARUPOK

Gud pm po, Mr. Antiporda. Isa po ako sa mga masusugid na tagabasa ng pahayagang Remate lalo na po sa kolum n’yo na ULTIMATUM. Nais ko lang po sanang mag-comment sa mga nangyayaring pagbabago sa bansa.

Meron naman pong maganda at meron ding pangit, tulad na lang po sa pera natin.

Kung nakahawak na po kayo ng bagong pera, napakadali pong mapunit at madaling maluma, hindi katulad ng pera natin noon na kahit madurog na sa kalumaan ay puwede pa ring magamit.
Marami naman pong pwedeng unahin tulad po yung nasa kolum n’yo na mga pasyenteng namamatay dahil hindi matulungan ng PCSO. May nangyari na rin po dito  sa lugar namin na ganyang kaso.

Yun lang po, more  power, lalo na sa kolum n’yo. 63921603….

SAHOD BIGLA NA LANG LUMIIT

Sir, good pm sa inyo. May itatanong lang po ako sa inyo.
Tungkol sa pasahod ng agency sa akin bilang po isang security guard. Kasi ang bigay ng kliyente sa akin ay 11 thousand two hundred pesos monthly. Pagdating sa agency k, P7 thousand na lang ang sahod ko, kaya ako nagtataka. Kasi halos P4 thou ang napunta sa agency ko. Tama po ba yung patakaran ng agency ko 2ngkol sa pasahod sa akin? Maraming salamat sa inyo. Si Mar po ito ng Caloocan. 63918208….

oOo

Anomang reklamo ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o ita-wag sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply