I’m sorry, sabi ng mga obispo

ILANG beses na ba nating narinig ang pangungusap na ‘I’m sorry?’

Noong Linggo, nagsabi ang tagapagsalita ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na nag-’I’m sorry’ na ang mga obispo tungkol sa paghingi ng pera sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa kanilang pagbili ng mga luxury sports utility vehicle.

“I’m sorry,” sabi ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo nang tawagan niya si alias Garci tungkol sa eleksiyon na kung saan sinabi ni Fernando Poe Jr. na siya ay nadaya sa eleksiyon.

“I’m sorry,” sabi rin ni Bill Clinton, president ng America noon, nang mabuking siyang inabuso niya ang isang babaeng intern sa White House.

“I’m sorry,” sabi rin ng dating president ng World Bank na si Paul Wolfowitz nang mahulli siyang katakot-takot na biyaya ang ibinigay niya sa kanyang girl friend na nagtatrabaho rin sa WB.

Masyado nang naabuso ang katagang ‘I’m sorry,’ kaya sana naman, ang mga bishop ay huwag nang lumusot sa claim nila na ang perang nahingi nila sa PCSO through Mrs. Arroyo ay pinambayad sa mga luxury vehicles in question ay para sa mahihirap.

Wala pa yata akong nakitang pari sa Metro Manila na walang brand-new at mamahaling sasakyan. Hindi rin ako nakakita na ng mga sasakyang ginagamit nila sa ngalan ng charity, ng paghahatid at pagbibigay ng mga medisina para sa mahihirap. “Charity begins at home,” pero ang charity na galing sa mga simbahan, ay para lang sa mga opisyal nila.

May nakita na ba kayong sport utility vehicle na ginamit na ambulansiya para sa may sakit? Mukhang hindi sinusunod ng mga pari ang 10 Commandments. Thou shall not steal. Thou shall not covet thy neighbor’s wife. Thou shall not lie. May pari ring sangkot sa pagnanakaw sa kanilang parokya. Karami nang kalalakihan na inabuso na ng mga pari.

Sana, sa susunod na sermon ng mga pari, mag-sorry naman sila sa taong bayan, lalo na sa mga mahihirap na kunwari ay concerned na concerned ang mg pari tungkol sa kanilang paghihikahos.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply