Imbestigasyon ng SC, DILG kay Duterte sinimulan na

NAGSIMULA na ang imbestigasyon ng Korte Suprema at Department of the Interior and Local Government (DILG) hinggil sa ginawang pananapak ni Davao City Mayor Sara Duterte kay Court Sheriff Abe Andres.

Ayon kay Supreme Court Spokesman Midas Marquez, pinagsusumite nila ng report si Davao City Regional Trial Court Executive Judge Isaac Robillo hinggil sa insidente matapos mapanood sa mga news reports ang nasabing insidente.

Sa report aniya dedepende ang imbestigasyonkung ano ang susunod nilang hakbang sa usapin bagama’t bahala na si Andres kung magsasampa ng kaso laban kay Duterte.

Samantala, nakipagpulong na sina DILG lawyers Christopher Tiu at Ramon Benitez kay Duterte at mga abogado nito matapos magtungo sa Sta. Ana Police Station at magsagawa ng ocular inspection sa pinangyarihan ng insidente.

Isusumite naman ng DILG lawyers kay Secretary Jesse Robredo ang kanilang report na ipadadala sa Malakaniyang kaya ipinauubaya na sa Pangulong Benigno Aquino III ang magiging aksyon sa ginawa ni Duterte. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply