Imbestigasyon sa anomalya sa pagbili ng helicopter itutuloy sa Agosto

IPAGPAPATULOY ng Senado ang pagdinig sa maanomalyang pagbili ng Philippine National Police (PNP) ng tatlong helicopter noong 2009 sa Agosto.

Inaasahang darating na ang mga opisyal ng Manila Aerospace Trading Corporation na nagbenta ng mga helicopter sa PNP.

Aminado si Senador Teofisto Guingona, chairman ng blue ribbon committee, na wala pang linkage na nae-establish sa mga Arroyo bilang tunay na may-ari ng dalawang helicopter na idineklarang bago pero gamit na gamit.

Dahil dito, hindi pa rin ipatatawag ang sinuman sa miyembro ng dating unang pamilya.

Ayon sa Senador, depende ito sa magiging testimonya ng opisyal o may-ari ng MAPTRA sa susunod na pagdinig.

Pero nilinaw ni Guingona na malinaw na napatunayan na ang mga helicopter na sinabing brandnew at binili sa presyong brandnew ay mga segunda mano.

Bukod dito, kumbinsido din ang mga senador at maging si DILG Sec. Jessie Robredo na overpriced ang mga helicopter.

Samantala, sinabi naman ni Senador Serge Osmeña na P36 million lamang ang presyo ng tunay na brand new ng fully equipped helicopter pero binayaran ito ng PNP ng P42 million at tig-P31 million naman ang dalawang standard na sinabing brand new kaya overpriced pa ring maituturing.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply