Imbestigasyon sa bumagsak na cessna plane patuloy

IPINAGPATULOY ng mga kagawad ng Civil Aviation Authority at ng iba pang ahensiya ng gobyerno ang sanhi ng pagbagsak ng isang Cessna plane, sa Sta. Maria, Magalang, Pampanga na ikinamatay ng dalawang sakay kagabi, sa ulat ng PNP.

Ayon kay PNP Spokesman P/Chief Supt Agrimero Cruz Jr. naganap ang pagbagsak ng Cessna Plane 152 Biyernes ng ala-6:00.

Patay sa nasabing sakuna ang piloto na Malaysian national na si Tian Yu Wong at sakay na si Alfred Christian de Leon.

Una nang inihayag ng Omni Aviation Corp. Flying School, may-ari ng bumagsak na RPC-8839, C-152 two seater aircraft at nakabase sa Clark, Angeles City na maganda ang kondisyon ng eroplano nang kanilang payagang pumailanlang.

Dumaan din daw ang eroplano sa pagsusuri ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), na nagpapatunay na walang problema ang cessna plane.

Pero sa pahayag ng mga testigo, tumigil daw ang makina ng eroplano sa ere saka bumulusok.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply