Imbestigasyon sa FOI madaliin — Casiño

IGINIIT ni Bayan Muna Rep. Teddy Casiño na mas magiging madali sana ang imbestigasyon sa dayaan noong 2004 at 2009 election kung naipasa na ang Freedom of Information Law.

Subalit lalo lamang aniyang pinagtatagal ng malakanyang ang pagsasabatas sa FOI sa paglalagay nito ng maraming exceptions.

“With a Freedom of Information Law the investigation of many anomalies including electoral fraud would be easier because the documents needed would readily be available, even election returns and ballots.”

Dahil sa mga isinisingit aniyang probisyon ng malakanyang ay lumalabas na wala ng ngipin ang naturang panukala sakaling maging isang ganap na batas.

Kabilang sa mga probisyon na nais ng palasyo na huwag masakop ng FOI ay ang mga impormasyong nauukol sa pambansang seguridad, mga isyung ukol sa foreign affairs at pakikipagnegosasyon ng gobyerno sa ibang bansa at ang mga batas ukol sa “Law enforcement and border control information when its disclosure would: unduly compromise or deal with any military operation or law enforcement operation.”

Giit ni Casiño sa exceptions na nais ng Malakanyang ay humihina ang panukala gayung ang unang layunin nito ay maitago ang mga impormasyon ng mga katiwalian sa publiko.

Umaasa si Casiño na igagalang at hindi ipipilit ng administrasyong Aquino na mabago ang orihinal na panukala dahil ito aniya ay maituturing na tunay na Freedom of Information Law.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply