Imbestigasyon sa PCSO anomaly haharapin ni Nograles

HAHARAPIN ni dating House Speaker Prospero Nograles ang imbestigasyon ng Senado kaugnay sa kontrobersyal na donasyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kabilang ang maanomalyang pamimigay ng ambulansya.

Suporta ni Nograles ang imbestigasyon upang matunton ang ugat ng nasabing alegasyon at marepaso ng Kongreso ang charter ng PCSO.

Ginawa ni Nograles ang pahayag matapos mapabilang ang kanyang pangalan sa inilabas na listahan ng PCSO na diumano’y tumanggap ng ambulansya kasama ang 20 iba pang kongresista na inilarawan ng PCSO na mga paboritong kaalayado ni dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Kinumpirma ng dating House Speaker ang donasyon na  dalawang ambulansya ng PCSO sa kanyang distrito subalit ngunit hindi aniya dahil sa kaalyado siya ng dating pangulo kasabay ng pagsasabing ang ambulansya ay hindi para sa kaniyang personal at political na benepisyo kundi sa Davao Medcial Center at sa Emergency 911 project ng Davao City.

Kabaliktaran aniya ito sa alegasyon ni PCSO chair Margie Juico na ang mga ambulansya at iba pang PCSO donation at endowments ay political rewards sa mga kaalyado ni Arroyo dahil maging ang mga miyembro ng oposisyon ay nakinabang sa PCSO sa kanilang medical and hospitalization assistance program sa ilalim ng administrasyong Arroyo.

Nanawagan naman ang Democratic Socialist Women of the Philippines (DSWP) sa pangunguna ng national chairperson nito na si Elizabeth Angsioco na masusing imbestigahan ang aniya’y mga ‘Kadiri’ Bishops na tumanggap ng mga SUVs mula sa PCSO.

Ang DSWP ay pangunahing tagapagtaguyod ng Reproductive Health bill na labis na tinuligsa at halos ipagtabuyan ng mga pari at Obispo sa panahon ng kanilang mga misa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply