Comelec, DOJ hayaan sa election fraud probe

NAKIUSAP ang chairman ng Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara de Representations na ipaubaya na lamang ang imbestigasyon sa umano’y dayaan noong 2004 at 2007 elections sa joint investigation team ng poll body at Department of Justice (DOJ)

Binigyang-diin ni Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. na ang mga isyu kaugnay sa dayaan, anomalya at iregularidad na may kinalaman sa halalan ay sakop ng hurisdiksyon ng Comelec.

Ayon kay Brillantes, sakop rin ng mandato ng Comelec ang magsampa ng kasong kriminal laban sa sinumang lumabag sa mga batas kaugnay ng eleksyon.

Nilinaw ng pinuno ng poll body na ang Kongreso ay nagsasagawa ng imbestigasyon upang makatulong lamang sa kanila sa paggawa nila ng mga batas.

Bagama’t aminado si Brillantes na walang makapipigil sa Senado at Kamara kung nais ng mga ito na mag-imbestiga, nangangamba umano siyang magkadoble pa ang pagsisiyasat.

Nabatid na may resolusyon nang ipinasa sa Kamara na nagsusulong sa congressional inquiry, habang sa Senado ay binawi na ni Sen. Panfilo Lacson ang inihain nitong resolusyon para sa pagsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa isyu at ipauubaya na lang umano ito sa Comelec at DOJ.

Sa susunod na linggo ay inaasahang makapaglalabas na rin ng guidelines ang Comelec para sa proseso ng imbestigasyon.

Isasama rin aniya nila ang pagtalakay sa isyu sa kanilang en banc session sa darating na linggo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply