Importation babawasan, rice self sufficiency isusulong

HINIMOK ng Malakanyang ang mga kabataan at mga anak ng mga magsasaka na sundan ang yapak ng kanilang mga magulang.

Ito ay makaraang ipahayag ni Pangulong Benigno Aquino III na babawasan na ng pamahalaan ang importarasyon ng bigas at sa halip ay paiiralin ang rice sel sufficiency sa kasagsagan ng kanyang pag-uulat sa bayan.

Pero kasabay nito, kailangan umanong may susunod sa yapak ng mga matatandang magsasaka,

“Agri age daw ng ating mga magsasaka ay 54 years old, ibig sabihin wala po tayong mga kabataan o mas bata – kokonti lang iyong mas bata pa doon ang patuloy pa rin na nagsasaka. At kailangan siguro ay himukin pa natin iyong ating mga kabataan lalong-lalo na iyong mga magulang nila ay magsasaka na tingnan din iyong mga oportunidad sa agricultural sector kapag napahusay natin ang sektor na ito makakapag-manufacture tayo ng mga processed food products,” ayon kay Sec. Coloma.

Sinabi rin ni Sec. Coloma na hindi lamang mga sariwang prutas at gulay ang puwedeng i-process at maipagbili sa world market.

“Napakataas po ng demand diyan sa mga kakaw, cocoa. Iyan ay ilang halimbawa lamang ng mga produktong agrikultura na pwede tayong maging competitive sa world market,” anito.

Samantala, kailangan din aniyang kunin ang mga pagkakataon sa mga kanayunan at sa mga rehiyon at probinsiya at pagyamanin upang maging maunlad ang sektor ng agrikultura lalo na pansakahan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply