Hindi kabaligtaran ni Gloria si PNoy

SINO ang nagsabing complete opposite sina Aling Gloria at PNoy?

Kabaligtaran ni PNoy si Gloria?

Kaya naman ganado si PNoy sa pagbaon sa hukay kay Aling Gloria, kahit sa mga talumpati nito sa harapan ng kahit kanino?

Ewan natin, mga Bro, kung totoo nga na kabaligtaran ni Aling Gloria si PNoy.

CONTAINER VANS

Noong panahon ni Pang. Ferdie Marcos, wala akong nakitang kahit isang container van na pinanghaharang sa Malakanyang at sa Mendiola kahit gaano kagrabe ang mga rally laban sa kanya.

Pero noong panahon ni Aling Gloria, naku, mga Bro, mas mataas pa ang pinagpatong-patong na container vans kaysa mga bakod ng Malakanyang.

Takooot na takooot noon si Aling Gloria sa mga raliyesta at ginawa niyang pader ang mga container van na pangharang sa mga ito.

Habang nalalapit ang SONA ni PNoy kahapon, iniuulat ng ating mga kasamahan na ready na ang mga container van na pambakod…sa mga raliyesta pa rin.

Takooot na takooot din ba si PNoy sa mga raliyesta?

RALLY RITO, RALLY ROON

Noong panahon ni Aling Gloria, mga Bro, katakot-takot ang mga rally na nagaganap.

Kahit saan at kahit kailan may rally.

Ngayong panahon naman ni PNoy, katakot-takot din ang mga rally.

Mabigat ang mga isyu noon at karaniwang korapsyon at paninikil sa mga karapatan ng mamamayan.

Ngayon naman hindi masasabing magagaan kundi maaaring kasimbigat din ng mga isyu noon.

Sino ang hindi magra-rally sa kainutilan ng pamahalaang PNoy laban sa sobrang mahal na langis, kuryente,  toll, EVAT at sa kontraktuwalisasyon at iba pang sobrang pabigat sa buhay ng mamamayan?

KABALIGTARAN NGA BA NI PNOY SI GMA?

Para makasiguro sina PNoy at Aling Gloria na kabaligtaran ang isa’t isa, mabuti pang isalang nila ito sa opinyon ng mamamayan.

Hayaan nilang ang mamamayan ang humusga sa kanila.

Kung bakit, eh, anak ng tokwa, yang magbuhat ng bangko ang kakambal ng hambingan ng sarili sa isa’t isa. Isa pa, sumbong ng ating uzi: yung isa korap yung isa inutil.

Baligtad nga ba sila sa isa’t isa?

oOo

Anomang reklamo ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o itawag sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply