Iniwan na nang milya-milya ni Vilma si Nora!

Vilma for victory

VILMA Santos is celebrating her golden anniversary in showbiz next year. Gagawa siya ng pelikula sa Star Cinema under Chito Rono in September. “Excited na rin ako at hinanahanp ng katawan ko ang mag-shoot ng film,” aniya pa.

Aaabangan ng public kasi nga she’s still beautiful, malinis at may halinang babagay maski sa batang leading man. “Wala pang botox o needle ang dumaan sa mukhang yan,” sabi nga ni Vilma.

“Priceless,” ang tingin niya sa trust na bigay ng fans at taong nag-iidolo sa kanya. Tootoo naman dahil maski mag-retire siya in the future ay malaki ang pagpapahalaga ng tao sa kanya. Successful bilang actress at credible public servant. Napag-iwanan na niya ng milya-milya si Nora Aunor na walang iiwanang legacy as public servant at maski sa pagiging actress ay tainted naman ang reputation.

May integrity, reliability at longevity ang tanging Star for All Seasons. Maski among showbiz people, iba ang respeto nila kay Vilma dahil sa tamang disposi tion at vision sa buhay. Tama ang pagpili ni Joy Agustin Tano ng Canada at ni Merze Viste ng Nueva Ecija sa choice ng kanilang idol.

***

MAGALING palang actor si Ejay Falcon at kayang makipagsabayan kay Robin Padilla sa “Guns and Roses.” Mahusay siyang magbitaw ng dialogue at very intense sa kanilang confrontation scenes.

Kuwelang-kuwela ang kalokahan ni Gladys Reyes sa Guns and Roses. May mga eksena talagang kakabagan ka sa katatawa sa kanya. Very campy ang dating. Sulit ang eksena basta andun siya sa frame.

Suwerte ni Cristine Reyes to have two of the best leading men in “Reputasyon.” Magaling si Jason Abalos at ganun din si Rayver Cruz. Lalaking-lalaki ang dating nila unlike some leading men na alam mo namang kakaiba sa tutoong buhay at mas girl pa sa kanila

Tumataba yata si John Prats kaya ang laki ng mukha niya sa TV frame. Baka hiyang na siya kay Bianca Manalo.

Kailan kaya bibigyan ng solo project si Martin del Rosario para magamit niya in full ang kanyang husay sa pag arte?

Sana maglabas sila ng anthology ng leading men na bibigyan ng challenging projects. Isama na sa list sina Martin, Joem Bascon, Xian Lim, Jason at Rayver. Pati si Sid Lucero.

Sad sorry state

GRABE naman ang kapal ng mukha ng actress singer para gamitin pa ang natitirang fans for her own good. No wonder, sabi nga ni Ed de Leon nauubos na talaga ang kanyang diehards,  Para sa isang party for her lover, nagpa-order ito ng maraming masasarap na pagkain gaya ng kare-kare, fried chicken, pork and beef. Hindi na nga nag-downpayment sa isang rabid fan, hindi rin siya nagpadala ng pera nang sinundo ang pagkain. Kawawang fan na nag-abono samantalang ang perang ipinambili ng gamit ay ipapadala sana sa Manila para sa poor relatives. Nakaisa na naman ang magaling na actress pero nabawasan naman siya ng mabait na tagahanga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply