Iniwan ng ka-live-in nagpatiwakal

PINATUNAYAN ng caretaker ang kanyang banta na magpapakamatay sa oras na iwanan  ng kanyang ka live-in makaraang matagpuan ang kanyang bangkay na nakabitin sa loob ng kanyang binabantayang  bahay  sa kahabaan ng Paez Ville sa Brgy. Dampalit, Malabon City.

Ang biktimang si Darwin Andaya, ay natagpuan ng kanyang kaibigan na si Renato Ganzan 39, na nakabitin at wala nang buhay gamit ang nylon cord na nakatali sa biga ng nasabing bahay.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni P03 Rommel Habig ng Station Investigation

Division ng Malabon police, dakong 2:00 ng hapon kahapon nang magpatiwakal sa pamamagitan ng pagbigti ang biktima.

Ayon sa ulat, una nang nagbanta na magpapakamatay ang biktima nang nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo ng ka-live-in na si Annalyn Sabillano at magsalita ang huli na iiwanan na siya.

Nang mabalitaan na tuluyan nang lumayas ang ka-live-in ay tuluyang nagpakamatay ang biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply