Internal security ni Isko pinagbabaril habang tulog

PATAY ang isang internal security ni Manila Vice Mayor Isko Moreno matapos itong pasukin sa kanilang bahay habang natutulog katabi ang kanyang asawa sa Tondo, Maynila nitong Huwebes ng umaga, Hulyo 7.

Nasawi sa pinangyarihan ng krimen ang biktima na si Jonathan Ignacio, 37, na nagtamo ng tama ng M16 o armalite sa ulo.

Ayon sa ulat, dakong alas 6:00 ng umaga nang maganap ang insidente nang pasukin sa loob ng bahay  ang biktima.

Pinagbabaril ito ng tatlong beses sa ikatlong palapag ng bahay ni Ignacio kung saan ito natutulog habang katabi ang kanyang misis.

Nabatid na matindi umano ang galit ng suspek sa biktima dahil pinasok pa ito sa loob ng kanyang bahay para lang maisakatuparan ang kaniyang pakay na pagpatay.

Nakatakas naman ang mga salarin matapos ang ginawang krimen.

Inaalam pa ng pulisya ang naging motibo sa pamamslang sa tauhan ng nasabing bise alkalde na posible umanong may kinalaman sa trabaho. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply