Ipinapatayong ospital ni Pacquiao inalmahan

INALMAHAN ng Presidente ng Sarangani Provincial Employees (SPE) ang ikinakasang pagpapatayo ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao ng ospital sa naturang probinsiya sa takot na magdala ng sakit ang mga pasyenteng gagamutin dito.

Sinabi ni Anacleto Sayaang, presidente ng SPE, ilang metro lamang ang layo ng ipinapatayong Saranggani Medical Center (SMC) ng Pambasang Kamao sa Kapitolyo kaya malaki ang posibilidad na madala sa kanila ang mga mikrobyo, bakterya at iba pang virus  na dala ng iba’t ibang nakahahawang sakit.

Bukod pa rito, pinangangambahan din ng SPE na baka ang malinis na hangin na kanilang nalalanghap ay makontamina ng maruming hangin lalo pa kung ito ay nagmula sa nasabing ospital.

Ayon naman kay Sarangani Governor Miguel Rene Dominguez, walang dapat ikabahala ang mga empleyado sa Kapitolyo dahil my gagawin silang pamamaraan para hindi mangyari ang kanilang iniisip.

Tulad aniya na hindi nila papayagang makapamasyal ang mga hihingi ng tulong na mga pasyente sa Kapitolyo upang huwag kumalat ang mga mikrobyo at virus na dala ng kanilang sakit.

Marami aniyang mga ospital din na malapit lamang sa Kapitolyo pero hindi naman naging ganun ang pananaw nila tulad ng inirereklamo ng SPE.

Sa kabila nito, hindi itinigil bagkus ay itinuloy pa rin ang pagpapatayo ng SMC sa compound ng kapitolyo ng Sarangani province kahit kinikuwestyon ito ng ilang mga empleyado ng probinsya.

Ang Sarangani Medical Center ay proyekto na isinusulong ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao para matulungan ang mga mahihirap na mga mamamayan.

Kahit naman kinikuwestyon, pinaghahandaan na ang ground breaking ceremony ng naturang ospital sa darating na Agosto 1. Robert C. Ticzon

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply