Iringan sa pork barrel lumalala

DAHIL sa pork barrel, tumitindi pa ang iringan sa pagitan ng ilang kongresista at Malakanyang.

Tinawag ni Navotas Rep. Toby Tiangco si Presidential Spokesperson Atty. Edwin Lacierda na “careless” dahil sa paglalabas ng pahayag na hindi muna kinukumpirma.

Paliwanag ng kongresista na dapat ay inaalam muna ni Lacierda kay Budget Secretary Butch Abad kung totoong nagpadala ng mensahe ang mambabatas sa halip na ibunton ang sisi kay House Speaker Feliciano Belmonte sa hindi pagre-release ng kanilang PDAF.

“That was quite careless of Atty. Lacierda considering that the Speaker has nothing to do with this issue in the first place.”

Bagama’t walang kumpirmasyon mula kay Abad kung nag-text nga ito kay kay Tiangco, hinamon pa ng mambabatas ang kalihim na “I dare Secretary Abad to deny that he sent me that text message. If he doesn’t then it just proves that it is true.”

Nanawagan din si Tiangco kay Pangulong Aquino na parusahan ang mga kalihim na posibleng gumagamit ng kanyang pangalan.

Ikinairita ni Tiangco ang pahayag ni Lacierda na ang PDAF ay wala sa kontrol ng Malakanyang kundi nasa pagpapasiya na ni Speaker Belmonte.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply