Isa pang sama ng panahon nagbabadya

HABANG lalo pang lumakas ang bagyong  “Kabayan” na patuloy na kumikilos pa hilaga patungo sa direksiyon ng katimugan  ng Japan, isa na namang sama ng panahon na posibleng mauwi rin sa bagyo ang tinututukan ngayon ng mga weather forecasters sa Ilocos Sur.

Sinabi ni Manny Mendoza ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) may tsansa aniyang maging isang super–typhoon si Kabayan  dahil sa tinataglay nitong hangin na may na bilis na 215 kph.

Gayunman sinabi ni Mendoza na si Kabayan ay tuloy-tuloy na sa direksiyon pahilaga, patungong Japan.

Sa ngayon AY tinututukan ng state weather forecasters ang isang sama ng panahon na malaki ang posibilidad na maging bagyo na namataan sa layong 200 km sa kanluran hilagang kanlurang ng bayan ng  Sinait, Ilocos Sur.

Ani Mendoza  ang nasabing  LPA sakaling maging bagyo habang nasa teritoryo ng Pilipinas ay tatawaginG “Lando.”

Kaugnay nito, binalaan pa rin ng PAGASA ang publiko kaugnay sa bantang pagbaha at pagguho ng lupa sa kanlurang bahagi ng Luzon  dahil sa mga pag-ulan habang ang nalalabong bahagi ng Visayas at Luzon ay magkakaroon ng maulap na papawirin  na may kalat-kalat na pag-ulan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply